Tinapay ng buhay ay hatiin Gaya nang maghati sa pampangin Sa amin, Oh Jesus, bahaginin Nang lagi kang sumapuso sa amin.
Sa banal na aklat hinanap Ka Nang magtibay ang aming pag-asa; Sa katotohana'y nakilala At ang pala ay tinatamasa.
Salita Mo'y espiritu't buhay Sa pagsunod diyan kami'y laan; Tulong Mo sa ami'y iagapay Nang sa pagtalima'y magtagumpay.